Tuesday, March 30, 2010

ang pagmamahal.

minsan naiinvade na ng taong mahal mo ang iyong buhay. weh? natry ko na yan. tipong kahit mukha ka ng tanga. mukha ka ng ewan.. BASTA PARA SA TAONG MAHAL MO, WHO CARES?

“sige awayin niyo ko. apihin niyo ko. murahin niyo ko sa katangahan ko. Tngina naman, mahal ko siya eh, pakealam niyo ba? pwede bang words of wisdom and encouragement ang ibigay niyo? wag niyong pahinain ang loob ko.”

ganyan ako dati, dun sa taong mahal na mahal ko. di ko naman inaaway ang mga friends ko. gusto ko lang silang sapakin. hahaha. bakit ba di kasi nila magets kung ano ang pakiramdam? yung tipong.. ” I WILL DO ANYTHING FOR LOVE…”

okay, at ngayon naman na single ako, at siyempre, no choice, tiga-advice lang din ako.. isa naman ako dun sa mga taong nagaadvice na, “iwanan mo na siya, ano ba wag kang tanga…”

HAHAHA! ang buhay pag-ibig. bow.

ganito na lang, pag nagmamahal kasi tayo, minsan, lumalampas na tayo sa ating emotianal limitations. tipong, kahit durog na durog na tayo dahil sa pagmamahal nain, NAGMAMAHAL pa rin tayo. well in the end, it’s still our hearts that suffer.

winiwish ko nalang, sana, sa lahat ng mga taong NASASAKTAN at the moment, at MASASAKTAN in the future, makayanan ninyo/natin, at magsilbing aral sa atin ang bawat sakit na mararamdaman natin.