Ilang araw na din ang lumilipas nang ako ay ipinanganak. Maraming araw. Kalalabas ko pa lamang sa sinapupunan ng aking ina ay alam kong marunong na akong umiyak at humagulgol. Kung siguro nakuhanan nila ng video ang araw ng aking kapanganakan, matatawag kong drama queen na ako kahit ilang segundong gulang pa lamang ako.
Noong bata ako numero uno ako sa pagalingan mag-tantrums. Kapag wala si inay sa bahay, kaya ko atang umiyak ng 5-6 hours straight. Ang galing ko, hindi ba? Kapag di ako pinapayagang maglaro sa ilalim ng araw, umiiyak ako. Kapag di ako binibilhan ng ganito, umiiyak ako. Kapag hindi ako isinama sa ganito, umiiyak ako.
Great! Drama Queen!
Maraming problema ang dinadanas ng mga tao. Lalo na kapag tumatanda na sila. Marami silang nasasalubong na pagsubok. Kadalasan, pagiyak ang paunang solusyon. Siguro, natuto akong umiyak ng todo todo nang matutunan ko ang salitang broken-hearted. Tipong, kailan kaya mauubos ang luha ko? Nakailang balde na kaya ako kung inipon ko silang lahat?
Ang pag-iyak, minsan man ay hindi "cool" para sa iba, para sa akin, ito ang pinakamabisang gamot sa sakit, pangalawa sa pagtawa. Ayokong plastikin ang sarili ko kapag magisa na lang ako. Pero ayoko namang pagalalahin ang mga taong mahal ko kapag kasama ko sila. Kaya kadalasan, umiiyak lang ako kapag wala akong kasama.
No comments:
Post a Comment