Madalas, kapag may mga masasayang pangyayari, o napakainteresadong bagay na nagaganap sa akin, madami akong naiisip na mga kataga. Hindi lang iyon, nakaayos na sa pangungusap. Tinatandaan ko ang mga bagay bagay na tumatakbo sa aking isip sa mga pagkakataong ganoon. Lagi kong inaalala minu-minuto dahil isusulat ko sa aking diary o sa aking blog pagkauwi ko.
Iyon nga lang, sa tuwing nasa harap na ako ng computer, o kaya hawak ko na ang ballpen na pangsulat sa aking diary, naglalaho na lamang bigla lahat ng mga di-magkasya-sa-utak kong mga memorya.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang kabilis mawala ang mga ala-ala. Parang bula.
Kailangan mo pang mag-isip ng mabuti upang maalala iyong mga naganap na. Ang masaklap, hindi mo kayang maalala ang bawat detalye.
Minsan tuloy gusto kong magsaksak ng video recorder sa aking utak para dalawang buwan bago ako mamatay, papanoorin ko iyong mga importanteng kaganapan sa 'king buhay.
No comments:
Post a Comment