Wednesday, May 12, 2010

Utak Itik.

Di ko alam kung dapat ko bang sabihin ito pero ang sarap lang ibahagi. May mga tao kasing napaka kitid ng utak at ang tanging nakikita lang nilang tama ay lahat ng ginagawa nila. Minsan tuloy, ang sarap isipin na tanga lang talaga sila. Tanga dahil di nila alam kung papaano tatanggapin na hindi lamang sila ang tao sa mundong may kakayahang gumawa ng tama.

Minsan kasi, nakakainis na mayroong mga taong hindi marunong umintindi ng iba. Tila ba, may sarili silang mundo na kung saan hindi pwedeng makisawsaw ang iba. Minsan, ang sarap nilang iwanan sa ere. Pero nakakakonsensiya. Hindi kasi masarap sa pakiramdam yung may nakikita kang isang taong hindi maka-'ride on' sa iba dahil hindi lang tila magawa. Ang hirap ma-OP. Kaya ayaw ko namang gawin sa iba.

Ang nakakaasar lang, yung mga taong pilit mo na ngang iniintindi dahil mas nakakaintindi ka, pero pilit parin ayaw magpaintindi.

Juan, hindi mo pasan ang mundo. Kung ano man ang problemang dinadala mo, wag mo namang idamay ang iba. Pwede kang humingi ng tulong nila, pero wag mo naman sakanila isisi.

No comments:

Post a Comment