Wednesday, May 12, 2010

Laro ko noon.

Noong bata pa ako, paborito kong maglaro sa labas bahay. Tipong, burn your skin games ang mga trip namin. Naglalaro kami sa mga bukirin. Alam mo yung taniman ng mga mais? Hind ba't makati sa balat kapag naglalaro doon? Pero doon kami naglalaro. Doon ang mas trip namin.

Feel namin yung maglaro ng tagu-taguan sa napakalawak na bukid. Tapos ay magtatago ako sa taas ng puno, o di kaya sa likod ng halaman. Pag uwi ko tuloy ay andami ng tumutubong katikati sa aking katawan. Mahilig din kaming magbahay bahayan. Hindi yung tipong laro ng mga batang mayaman. Sa amin kasi, dahon ng niyog ang mga ginagawa naming pader. Nagtatali talaga kami ng mga kahoy kahoy at naglalagay ng mga dahon dahon. Sasabayan pa namin ng luto-lutoan at ang kaldero at kasirola namin ay mga latang hinugasan lamang namin gamit ang sabon. Oo, kinakain namin ang mga niluluto namin sa ibabaw ng tatlong malaking bato at apoy.

Kapag marami kami, trip din naming maglaro ng bam sak, patintero, baril barilan, step-no, step-palda, tumbang preso, paway, at kung anu ano pa.

Noong bata ako, hindi ako maarte kagaya ng ibang babae. Masungit lang talaga ako by nature.

Maarte, in a way na, nagsasabi ng EEEEW! I DON'T LIKE THAT!, EEEW WHAT'S THAT?, EEEW, EEEW, EEEW. Game naman ako sa kahit anong nakakadiring laro na pwede naming laruin.

Batang Kalye ako noon kaya naman madalas din akong napapaaway. Hihihi.

Dahil nga batang kalye ako, umuuwi akong marumi, at dugyot.

Noong bata ako.

Nakakatawa.

No comments:

Post a Comment