Friday, June 25, 2010

Girl's intuition?

Kagabi nga ay nagbabackread ako sa facebook profile ni DG at tumitingin tingin ng mga kung ano anong meron nang mga panahong wala naman akong komunikasyon sakanya. Nakita ko ang posts ng kanyang ex girlfriend at pakiramdam ko tuloy ay ang sakit sakit sakit sakit pero nagiinarte lang naman ako. I even said "I hate You" to him. Imagine?

Hindi ko alam. Gusto ko na talagang baguhin ang "selosa" attitude ko & yung hilig kong ungkatin ang nakaraan. Nakakainis lang kasi, bakit ang mga babae madalas nararamdaman agad na niloloko sila ng kanilang mga partners sa hindi matukoy na dahilan. Alam mo yung, alam mo. nararamdaman mo. simple.

Well, nagkamali ako. Pipilitin ko na talagang maalis ang ganoon kong paguugali & i'll just concentrate doing my responsibilities.
Gusto kong maging ideal partner.

Kasi malandi ako.

Joke. Kasi MAPAGMAHAL AKO. :)

Monday, June 21, 2010

Pasilip.

Di ko naman akalain na ganoon pala ang magiging pakiramdam ng pagbabackread ko sa propayl mo. Ang sweet niyo pala ng girlfriend mo ngayon.

You used to be my crush, & barkada.
What happened to you?
You grew.
Haha.

Crush lang naman kita, bakitt feeling ko tinraydor mo ako? Feelingera? haha

Friday, June 18, 2010

Iliad Book 1.

Never na pumasok sa utak kong basahin ka at ang mga griyegong nilalang na nakapaloob sa'yo. Sabihin mo nga sa akin, bakit hindi ako book worm? Bakit hindi ako mahilig magbasa ng libro?

Haynaku. Pwede po bang ikwento niyo na lang kasi sa amin, pero pag nagkkwento ka naman wag ka namang sumegwey ng sumegwey sa emo mong buhay, at sa buhay ni Mar Roxas. Please?

At sana din wag ka masyadong boring dahil naaasar ako, talong oras ka pa naman naming propesor at sumasakit ang pwet ko kakaupo, napapagod din ang tenga ko kakarinig sa boses mo.

Azzur. Akala ko mageenjoy ako sa literatura.
Dahil di ko feel ang guro,
malamang tatamarin ako.

I hate it.

Thursday, June 17, 2010

Eh kasi bawal.

Alam mo iyong pakiramdam na ngayong mga nakaraang araw, ikaw na lang yung bumabagabag sa utak ko dahil nga sa sobrang pagkasweet mo sa akin. parang awa mo na, tigilan mo naman na ako, sige na kasi nahihirapan akong magpigil na huwag mahulog sa'yo dahil nga malambing ka naman. kahit di talaga kita type. hindi ka kasi "Gago" looking, hindi ka mayabang in a way na mahangin. Hindi ka attractive for me. Basta hindi lang kita type. Pero siyempre, ikaw lang ang madalas kong kausap. Ikaw lamang ang lagi kong nasasabihan dahil ikaw lang naman ang madalas kong makatext. Marami pang mga sumusunod na detalye, pero ang gusto ko lang sabihin, ayokong matutong magkagusto saiyo dahil magkaibigan tayo at hindi ko gustong magkagusto sa taong dapat ay kaibigan lang.

Ang dami jkong alam.
Lumalove life.
Ang malanding bata.
Bow.

Monday, June 14, 2010

Kwentong Barbero.

Minsan kung sino pa ang inaakala mong pinagkakatiwalaan mo, sila pa itong wawasak sa iyong tiwala. Sila pa itong gagawa ng hindi kaaya aya. Bakit ganoon ang buhay? Ang daya daya. Ang sama sama. Minsan akala mo kung ano yung mga bagay na para sa iyo, at para sa iyo lang, patikim lang pala iyon. patikim upang matuto kang masaktan. Pero dahil nga sa natuto kang masaktan, matututo ka din namang lumaban. Hindi ko alam. Oo? Hindi? Tama? Mali?

Naranasan ko ng mapagtaksilan. Sa katotohanan, hindi lamang ako minsang naloko. Hindi lang ng iisang tao. Hindi lang ng lalaki, ng kaibigan. Marami. Marami nang nanloko't nangalipusta ng aking nararamdaman.

Hindi ko din alam kung ano ang nakukuha sa panloloko, sa panggagamit ng tao. Ang alam ko lang, hindi maganda sa pakiramdam.

Sunday, June 6, 2010

Daig mo pa ang isang kisap mata.

Madalas, kapag may mga masasayang pangyayari, o napakainteresadong bagay na nagaganap sa akin, madami akong naiisip na mga kataga. Hindi lang iyon, nakaayos na sa pangungusap. Tinatandaan ko ang mga bagay bagay na tumatakbo sa aking isip sa mga pagkakataong ganoon. Lagi kong inaalala minu-minuto dahil isusulat ko sa aking diary o sa aking blog pagkauwi ko.

Iyon nga lang, sa tuwing nasa harap na ako ng computer, o kaya hawak ko na ang ballpen na pangsulat sa aking diary, naglalaho na lamang bigla lahat ng mga di-magkasya-sa-utak kong mga memorya.Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lamang kabilis mawala ang mga ala-ala. Parang bula.

Kailangan mo pang mag-isip ng mabuti upang maalala iyong mga naganap na. Ang masaklap, hindi mo kayang maalala ang bawat detalye.

Minsan tuloy gusto kong magsaksak ng video recorder sa aking utak para dalawang buwan bago ako mamatay, papanoorin ko iyong mga importanteng kaganapan sa 'king buhay.